Search for Stories

Friday, November 19, 2021

Sorrow (MIU)

By the way I'm Liyah 26 from the land of promise Mindanao. Hi sa mga kababayan ko Jan! Sorry na agad if Hindi ayos mag narrate at Hindi lahat ng nangyari sa amin mula umpisa at hanggang huli malalagay ko dito. To be honest marami na nangyari ung mga unang nangyari Hindi ko na lahat matandaan kaya pasensya na po kesa naman maglalagay nalng ako ng kung ano ano jan yung mga matatandaan ko nalang at Tagalog ko na lang po para maayos at maintindihan medyo nahihirapan Pa kasi ako magbisaya hehe.
Nirecommend ng mga kaibigan ko itong page kasi sakto daw paglabasan ng hinanakit at pagluluksa sa puso Kong sawi aww. Marami nga akong nakita na mga love story about MIU dito sakto nga naman MIU din siya . So I hope mapost ito para mashare ng lesson sa iba lalo na sa mga kapwa ko babae at para labasan na din ng sakit na nararamdaman ang hirap din kasi sarilihin e.

Feb 18, 2015 nakilala ko si Lester 31 (Not his real name) sa birthday ng pinsan ko. Tropa din kasi sila at same din sila Lispu. Pinakilala siya sa Akin ni kuya Vin single daw, mabait ,etc.pero ako naman walang pakialam kung ano pinagsasabi ng pinsan ko 19 Pa ako that time mas iniisip ko Pa yung foods at mga paraffle dun sa party kesa sa sinasabi ng pinsan ko at isip bata talaga ako until now hahahah. So balik tayo ayun nakikipag usap siya sa Akin pero ako dedma nga focus lang sa kinakain . First impression ko sa kanya loko-loko, maingay, papansin at ggss talaga siya. Gwapo naman pero Hindi talaga sobrang gwapo maganda yung mata niya, matangos ilong at Moreno. Umalis ako sa table nila kahit andun sila mommy kasi naasar na talaga ako sa kanila ito naman magaling Kong pinsan nirereto ako sa tropa niya at binigay niya Pa talaga number ko dun nung umuwi na kami dun ko Pa nalaman kasi may text ako natanggap galing sa Lester. At dahil nga wala akong pakialam sa lahat ayun Hindi ko nirereplyan maski tawag niya d ko sinasagot mga galawan ang bilis tinalo Pa si flash. Nag focus ako sa pag aaral ko that time med student ba naman wala ng oras sa ibang bagay mag aral nalang dami requirements dagdag mo Pa may 2 terror professor Pa ako nun na parang pinaglihi sa sama ng loob ako lagi nakikita Para sa recitation sino Hindi mag aaral niyan! One time pumunta kami ni lola sa palengke nun sakto naman na kasali si lester nakabantay sa checkpoint itong kuya niyo naman nagpapacute Hindi naman cute nagtataka na si lola kung ano ba daw meron kami nung pulis na yun bat daw nag rereklamo d ko siya nirereplyan iwan ko saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya para sabihin yun sa harap ng mga kasama niya at sa lola ko hahahha. 2 weeks ata bago ung nangyari sa checkpoint nirereplyan ko na sya simula nun nagyaya din siya gumala. Pumayag naman ako kakatapos lang din exam namin nun kasama ko mga tropa ko kasama niya din si kuya vin o diba mas masaya pag marami. Hindi siya makadikit sa akin kasi kapag lalapit siya sa Akin sasabay o makikipag kwentuhan ako ng kung ano ano sa mga tropa ko. Weird man sa inyo pero di po kasi ako sanay na may kasamang lalaki lalo na kung di ko Pa kilala talaga or kahit kilala ko hindi talaga ako yung tipong makikipag tropahan sa lalaki or makikipag usap ewan ko ba basta ganun ako hahhahaa. Nanuod kami movie nagtalo Pa kami ng pinsan ko that time kasi mas maganda daw yung action movie e ang pinili ko yung cartoon na dinosaur sympre talo sila dalawa lang sila 6 kami hahahh pero sinamahan Pa din nila kami manuod nun kumain kami sa jollibee para less gastos window shopping etc. Hanggang pag uwi nag volunteer sila na ihatid kami pumayag naman kami nakakaawa tuloy sila mukhang aso sunod ng sunod sa amin San magpunta. HAHHA hindi kami nakapag usap ni Lester nun kaya binawi niya sa tawag tinawagan niya talaga ako nung gabi at puro reklamo talaga narinig ko mula sa kanya. Nung gabi din yun sinabi niya na crush niya daw ako nung una niya Pa daw ako nakita sus umamin siya ng feelings niya ako dedma wala pakialam nagsabi na manligaw o diba ang bilis parang konti lang mga pag uusap namin tas isang gala ligaw na agad. Hindi naman siya nagpaalam dahil alam niya naman daw na isasagot ko "NO" bahala na daw siya basta pagbigyan ko lang daw andami niya pang sinabi nun at hindi ko na matandaan hhaha. Pinanindigan niya naman nanligaw nga siya bumibisita sa bahay ok naman ang parents ko sa kanya pati isa Kong kapatid pero yung kambal ko si kuya Ben ayaw niya alam niya naman galawan ng MIU btw MIU din kambal ko Airforce sinong single Jan? Single din siya hahhaa. Ayos naman manligaw si Lester mas inuna niya ligawan ang fam ko kesa sa Akin very good yun kapag gagala naman kami sympre may mga kasama na naman ako hahhaa nakilala ko na din siya mapapasabi ka nlng na dream man talaga siya.

Proceed tayo April 21, 2016 (1yr and 2 months din na ligawan hehhe) sinagot ko siya sa harap Pa talaga ng fishpond namin hehehe naging maayos ang relationship namin may mga konting di pagkakaintintindihan­ pero napag uusapan naman . Busy ako sa med school busy din siya sa work niya pero lagi naman kami nag uupdate sa isa't isa. Kung may date man kami may mga chaperone Pa din talaga ako kasama minsan mga tropa minsan kapatid ko ayos naman sa kanya. Medyo awkward Pa din kasi na magsama kami lang dalawa nung bago Pa naging kami hindi Pa ako sanay. Sobrang effort niya lagi magdadala ng foods, chocolates, kapag naman b'day ko or siya or every monthsary magcecelebrate talaga kami kahit d magkasama. May mga cake, flowers and hand written letters. Mas lalo Pa ako naiinlove sa kanya lalo na kapag kumakanta siya swear sobrang ganda ng boses! Maganda ang takbo ng relationship namin kahit hindi kami masyado nagkakasama dalawa kasi nasa ibang lugar na siya na assign . Kpag naman lalabas kami ayos na ako na kami na dalawa . Kapag naman may out of town kami iba iba room namin kapag may sleep over very conservative kasi ang family ko lalo na ako hehe siguro nagtitiwala lang talaga ako sa mga sinasabi ni lola na kapag hindi Pa kasal bawal Pa magkatabi matulog, bawal gawin yung mga Hindi dapat gawin na mag jowa Pa lang. Yun laging bilin sa Akin . Sa Panahon ngayon parang hindi na ata yan sinusunod pero hindi ko kayo majudge Jan choice niyo yan guys kung Jan kayo masaya go on. Iba lang talaga paniniwala natin mas sumusunod lang talaga ako sa lola ko para naman daw sa Akin yun. At sa tagal na relationship namin ni Les d na din kami nag aaway di tulad nung unang naging kami dahil topakin nga ako everyday away yun nature na din ng babae yan no? Nahahandle niya naman hahaha marami kaming special occasions na hindi nagkakasama b'day, Christmas , new year , pati mga anniversaries namin May mga absent talaga. Ok lang naman sa Akin kasi sympre mga ganyan occasion nasa work siya Bayan muna bago love life. Or kung off man siya kasama niya dapat family niya hindi ako demanding at hindi talaga ako nanghihingi ng oras sa kanya.
Yr 2018 graduate na ako sa wakas natapos din at sobrang bless ko dahil passer Pa ako finally RMT umuwi siya nun nag celebrate kami kasama family ko lagi niya sinasabi na sobrang proud siya sa Akin at sobrang saya niya sa mga achievements na natanggap ko. Mga 1 month after nung celebration ko nagyaya si Les na gala sa plaza sa mga streetfoods habang kumakain kami nagsabi siya na maassign na siya sa Luzon . Nung time na yun parang maiiyak ako na ewan pero inisip ko hindi dapat ako maging selfish dapat suportahan ko siya at malaki naman tiwala ko sa kanya kaya go lang sa Akin. Bago Pa siya umalis nun bonding kami, gala kahit saan, kain ng kain etc.
Nung araw na aalis siya hinatid ko siya sa airport nun feel ko nun maiiyak ako pero hindi ako naiyak hahhaa ewan ko ba habang nasa sasakyan Pa kami nun lagi niya sinasabi na pagkatiwalaan ko siya ,hindi siya magloloko dun, magtatrabaho siya para sa amin dalawa. Ganun din naman ako sa kanya. Nung nasa Luzon na siya parang katulad Pa din ng dati nasanay na kasi ako na hindi kami nagkakasama kaya ayos lang sa Akin basta umayos lang siya dun. Maganda Pa din takbo ng relationship namin lagi Pa din nag uupdate umuuwi lang siya sa mindanao kapag mahaba leave niya. 2019 nakapasok ako sa isang hospital sa manila sobrang happy namin pahero kasi malapit na naman kami sa isa't isa kahit once a week lang kami magkita ayos na yun kesa katulad nung nandito siya sa luzon ako sa Mindanao ilang months bago Pa kami magkita. Ayos ang work namin pareho, nakakapag update naman kahit laging busy at kapag may free time magdadate sa tagaytay, Batangas, Taguig at sa ibang lugar Pa sobrang saya namin basta magkasama kami, magkasama din kami nag celebrate ng Christmas at to welcome 2020 pati na din sa celebration sa 3 yrs anniversary namin yun ang hindi ko makakalimutan dahil nung time na yun nag propose din siya sa Akin mangiyak ngiyak na ako nun sa surprise niya nasa bahay lang kami sa taguig nun kasi covid nandun din yung fam ko pero wala yung fam niya kasi nga nasa Mindanao risky na din masyado kung papupuntahin Pa sila ni Les dito nung time na yun kumanta siya ng " God gave me you" after nun akala ko magpicture picture lang kami sa gitna nun pinaharap niya ako sa kanya at lumuhod siya nagsabi ng messages niya niyakap ko siya and I said Yes! Hinalikan niya ako sa noo katulad ng lagi niyang ginagawa mga family namin nun tuwang tuwa sila mommy at lola nag iiyakan na.

Move forward 7months after nung proposal maayos naman kami pero may napapansin ako sa kanya medyo lumalamig, hindi na nag uupdate, pag tatawagan ko sasabihin Busy sa work etc. Ok naman sa Akin sa isip ko baka nga talaga busy siya kaya hindi ko na pinipilit kausapin niya ako patuloy Pa din ako nag uupdate sa kanya mag message ako ng morning rereplyan niya ng hapon o gabi na hindi naman niya gnagawa before siya Pa nga nauuna mag message niyan e. nung mga gabing nag pupuyatan kami sa tawag wala na ako na yung tatawag sa kanya tas hindi Pa umaabot 1hr magpapaalam na siya na inaantok na. Nakakaramdam na ako at iba na yung nasa isip ko pero inaalis ko dahil ang laki ng tiwala ko sa kanya ayoko na mag overthink baka mali naman pala yung nasa isip ko. Hinayaan ko nalang kasi lagi ko pinapasok sa utak ko baka stress lang talaga sa trabaho. Nung December na ganun Pa din siya. Christmas hindi kami nagkasama . Binati niya lang ako sa text ng " Merry Christmas. enjoy" amp. Sino mag eenjoy ng ganun? Natulog nalang ako sobrang sama ng loob ko asar na ako sa kanya!, nagpatuloy tuloy yung pag uugali niya hanggang new Year ni hindi man lang nag text o tumawag. Dahil hindi na ako nakapagpigil nung time na yun Jan 5 pinuntahan ko siya sa station nila somewhere in region 3. Hindi ko pinaalam na puntahan ko siya nung nandun na ako nandun din sa front desk ang Pcpt nila nanunuod ng ewan anong show yung connect yung mga pnp yung parang KkD ah whatever basta yun napansin ko binati ko siya binati niya din ako at nag ask ano kailangan ko kasi yung mga nasa front desk kumakain Pa daw ng lunch. Akala ata may isusumbong ako.
Me:Sir Good noon po may itatanong lang po ako nandito po ba si sir *********?
Sir Pcpt: Wala po ma'am nasa chekpoint po sa Brgy ****** bakit po may kailangan po kayo sa kanya ?
Me:Bibisitahin ko lang po sir baka umayos ang mood kulang ata sa bisita at nanlalamig(yan talaga ang sinabi ko dun sa hepe nila bahala na naasar na talaga ako)
Sir Pcpt: hala ma'am mukhang malalim ang pinaghuhugutan niyo po. Kaano ano niyo ba si *********?
Me: fiance po sir.
Sir Pcpt: (mukhang nabigla) fiance mo mam? Iba naman babae dinala at pinakilala niya dito sa amin sa station nung isang araw.
Hinihintay ko na dagdagan niya ng joke or what nasanay naman kasi ako sa mga mag tropang lalaki ganyan mang asar pero wala talaga.
Shit nung narinig ko nun sarap mag walkout galit na naiiyak na ako nun pero tinago ko. Kinakausap ako nung hepe pero wala ako sa sarili. Sakto din dumating yung dalawang nasa front desk ito naman hepe ng station na yun na paka chismoso sinabi ba naman dun sa dalawa na fiance ako ni lester pati yung isang babaeng pulis napasabi Pa na" sino pala yung babae na dinala ni ********* dito sir? " sa sobrang badtrip ko nun walkout ako tinawag Pa nila ako pero diridiritso na ako sa kotse at umalis nakita ko Pa sa isang checkpoint c lester kung pinairal ko lang yung galit ko binanggaan ko na siya. Buti nalang ibang pulis nag check sa Akin kaya diritso na din ako ng hindi niya napapansin. Gabi na ako naka balik ng manila. D na ako kumain dahil sa pagod at sakit na narararamdaman iyak lang ako buong gabi Simula nung gabing yun d na ako nag me message o tatawag sa kanya katulad ng ginagawa niya. Tumawag siya nung umaga sinagot ko na busy ako sa trabaho o diba ung reason niya nirarason ko na din nagtatanong kung pumunta ako sa station nila pinatayan ko. Ayaw ko siya pagdudahan meron Pa din sa akin na baka mali yung nasa isip ko baka pinagtitripan lang ako nung mga pulis. Tinanong ko yung tropa niyang pulis dun kung meron ba talaga ayaw Pa sana umamin pero tinakot ko na isusumbong ko kay kuya vin. Umamin siya na meron nga gf si Lester dun Si Miracle(ito talaga name niya sana all miracle) umiiyak na ako nun Nung nalaman ko full name nung girl sinearch ko sa fb nakita ko profile pic niya Pa sila dalawa ni Lester. Na yung fb naman ni Lester kami naman dalawa un. At kaka stalk ko sa kanya nakita ko 2nd acc ng fiance ko profile pic silang dalawa. Ayos sa 1St acc mo tayong dalawa ang profile mo at ka relationship status mo tas sa second acc kayo ni miracle . Nag message ako sa girl partida ang profile ko kaming dalawa Pa ni Lester open din fb ko para pwede siya mang stalk. Mga 3 oras nag reply nga bf niya daw very sarcastic Pa makipag usap sa Akin! Sinabihan ko naman na ako ang fiance! Pero shit tung mga kabit na to ito Pa yung mga makakapal ang mukha at makikipag away talaga ako yung nakikipag usap ng maayos, hindi nagmumura kahit kailan. Kahit galit na galit na ako dito sarap na din awayin pero kinakausap ko sa maayos na paraan pero sinasagot ako mura at away ang pinaka worse Pa Jan binlock ako!. Tinawagan ko si Lester kung anong meron sa kanila ni Miracle sinabi nga niya na gf niya daw nagwawala na ako nun sino ba naman hindi magagalit 3 taon mong Karelasyon 1St love ko tas engaged na kami tas malalaman ko na ganun na may gf siyang iba 2 months lang niya nakilala nagtatrabaho sa isang milktea shop. At sinabi niya Pa talaga na may nangyari na sa kanila yun yung isang bagay na hindi ko naibigay sa kanya kaya naghanap ng malalabasan after ng explanation niya pinatay niya na ang call wala man lang akong narinig na sorry! 1 week ako nagkulong sa bahay, iyak ng iyak. Sobrang nasasaktan. Ako yung naghihirap pero sila patuloy Pa din ang landian! Nakipag hiwalay ako akala ko hindi papayag or magsisi sa ginawa niya pero sinagot niya " ok" . Hindi ako nagmumura simula pagkabata pero napamura talaga ako nun!
Sa ngayon hindi Pa din ako ok pero kinakaya ko. 10 months na din na sinanay ko na wala ka pero ang hirap. Kung maiisip kita maiiyak nalang talaga ako sinasabi ko na kaya ko na wala kana pero hindi Pa pala. Pero ito ako lumalaban sa buhay nagfofocus sa work, sa family and friends. At ipanaubaya ko na lahat sa Diyos dahil alam ko may maganda siyang Plano para sa Akin.

Sa lahat ng makakabasa nito isa lang ang hiling ko para sa inyo na hindi ninyo maranasan ang nangyari sa Akin. Ok lang magmahal wag lang magpapaloko at magpapakatanga ng sobra. Hindi lahat ng matagal ng relasyon para talaga sa isat isa.
Sa mga kapwa ko babae kung alam niyo naman na meron karelasyon ang lumalandi sa inyo please layuan niyo na dahil sa huli kayo rin mahihirapan at masasaktan. Kapag swerte ng relationship niyo stay inlove and Godbless your relationship. Sa mga single Jan. Wag kayo ang maghanap dapat kayo ang hanapin kidding haha pero totoo just wait at the right time makilala niyo din yung para sa inyo. Sa mga sawi katulad ko tara shot! Hahaha joke hindi ako umiinom. It's ok to cry para mabawasan kahit konti ang sakit nararamdaman niyo. Wag niyong sarilihin guys mahirap yan pwde niyo ishare sa mga taong pinagkakatiwalaan niyo or parang katulad ko d ako mahilig mag confess dahil masyado akong private na tao pero tingnan niyo napashare dahil d na makaya ang sakit hahaha. Remember kapag tayo sinaktan wag tayo gumanti o gumawa ng masama sa kapwa at the end marerealized nila mga pagkakamali nila. Magfocus sa ibang bagay wag puro dun sa mga nananakit sa inyo dahil hindi kayo agad makaka get over sa Jan. Surrender everything to God, coz one day we will wake up with a brand new start, more blessings and too much happiness.

And to you Lester, San ka man ngayon I hope your ok and safe kahit may sinaktan ka. Sinira mo lahat les, sinira mo lahat ng mga pangako mo. Gusto Kong isumbat lahat sayo pero hindi ko kaya dahil I know may mga mali din ako dahil malayo ako sayo. Pero hindi naman tamang reason yun para magloko ka. And about sex? Dahil hindi ko naibigay sayo nahanap mo sa iba. Hindi ka lalaki. At buti nalang nagstay ako sa paniniwala ko. Na wedding muna bago honeymoon. June nakipag communicate ka sa Akin nag sorry ka at nakikipagbalikan dahil break na kayo nung pinalit mo sa Akin. Jan kapa nag sorry nung January na kinompronta kita wala talaga ako narinig mula sayo. Binigay ko lahat sayo minahal kita ng sobra, tinanggap kita at pinagkatiwalaan kita nung nakakahalata na ako last yr na may something sayo inaalis ko sa isip ko yung sinabi ng hepe mo hindi ko a tinanggap dahil malaki ang tiwala ko sayo at kung meron man gusto ko yung manggaling sayo. About Miracle kahit galit na galit na ako nun dahil alam ko na lahat kalmado at maayos ako nakipag usap sa kanya pero ano siya yung nagwawala. At ikaw nagwawala na ako sa call nung umamin ka pero wala kang pakialam. Mapapatawad kita les pag ok na ako pag tanggap ko na pag naka move on na ako sayo Ayoko na muna makita at makausap ka hanggang maging ok na ako. Pero swear hinding hindi na ako babalik sayo. Mag iingat ka kung nasan ka man ngayon. Lagi kitang ipagdadasal na nasa maayos ka na kalagayan. Salamat sa lahat sa magagandang memories natin together hanggang memories nalang tayo. Sana mahanap mo na din yung the one mo in the future yung mga Plano mo para sa atin before gawin mo sa future girl mo. At pakisabi pala sa Hepe mo thank you. Kahit napachismoso atleast honest!

To UCnians and admins of this page Godbless you all. Continue to inspire other people. I hope next update ko dito sa page may love life na ako hahahaa joke. Hindi ako nagmamadali. May nanliligaw MIU kahit anong Iwas sa MIU lumalapit naman ito airforce katropa ng kambal ko pero hindi ko pinapansin. Nasa healing process Pa kasi ako siguro pag ready na ulit ako magmahal mag uupdate ako dito. Salamat sa lahat. Pasensya na kung hindi lahat ng nangyari nasabi ko dito ayoko kasi ng Pa update² isang beses lang para isang beses din na sakit. Andami ko din work kaya pagpasensyahan niyo na po. Keep safe everyone and Godbless u all.

___________________________________________

Response:

Magandang gabi sa lahat, Ako pala si Plt Lester ********* na tinutukoy ni Ma'am Liyah Sa #Sarrow kagabi. Pakitago nalang din ng identity ko dahil sa trabaho ko please. Hindi ako gumaganito pero siguro kailangan din malaman ng lahat ang side ko para Hindi naman one sided.

Nabigla ako kanina sumugod si Miracle dito sa station dahil ang ex ko daw nag post dito at involve kaming tatlo. Umpisahan natin yung sa kwento ni Iyah tama talaga na nangyari yun umpisa sa birthday ng tropa ko na pinsan niya kami unang nagkita nung nakita ko siya aaminin ko nagandahan talaga ako ng sobra sa kanya mahinhin, magalang, maputi, mahaba ang lashes lahat lahat na sa kanya maganda. Sinabihan ko si Vin nun na crush ko pinsan niya dahil nga supportive naman tung tropa ko pinakilala ako sa kanya tama naman sabi ni Iya dun na wala talaga siya pakialam ni Hindi nga makatingin sa akin dahil kain lang ng kain o kung Hindi man nakikipag laro sa mga bata parang hindi dalaga kung umasta pero sobrang cute niya talaga panoorin nung umuwi na sila binigay ni Vin sa akin ang number niya agad agad ko naman tinext pero umabot ng linggo Hindi niya talaga sinasagot mga text at tawag ko. Nagkita kami ulit dahil isa ako sa nagbantay ng checkpoint nung dumaan sila ng lola niya kinapalan ko talaga ang mukha ko na sabihin yung reklamo ko na Hindi nga siya sumasagot sa mga calls and messages ko. Nung gabing yun sumagot talaga siya nalaman ko din na Medicine student siya at nagfofocus talaga siya sa pag aaral niya sobrang talino niya talaga lagi yan nakasali sa mga debate, school newspaper nila at sa school officers pati mga sports magaling yan nasa kanya na talaga lahat. Nanligaw talaga ako sa kanya hinintay ko siya kahit mahigi isang taon niya ako pinahirapan at pinag antay ayos lang makuha ko lang ang matamis niyang oo. Nung sinagot niya ako yun na talaga ang pinakamasaya at Hindi ko makakalimutan na araw , sobrang swerte ko talaga dahil girlfriend ko siya kahit ako lang yung sobrang nagmamahal nung time na yun kasi siya mukhang wala pa din pakialam tatawag ako lagi mag sasabi ng I LOVE YOU sa kanya sasagutan lang ako ng " 2, hehehe, kamusta work? swerte nalang kung sasagutan ka ng I love you too din pero mukhang nahihiya pa siya. Naiintindihan ko naman dahil Hindi pa sya sanay at ako talaga first boyfriend niya. Laking pasalamat ko sa family niya na tinanggap talaga ako maliban sa kambal niya na lagi mainit ang ulo sa akin mas lalong uminit ngayon. Kapag gagala naman kami lagi talaga yan siya may kasama mga kaibigan niya , yung kapatid niya or maski lola niya isasama niya talaga pag pupunta kami mall didiretso talaga yan sa toy store at bibili ng mga stuff toys, lalo na Mickey mouse adik na adik talaga siya jan isa pa kinaadikan niyan pagkain kahit saan kami magpunta makakita ng mga pagkain yan titigil at bibili sobrang saya niya talaga kasama dahil parang may kasama kang bata . About naman sa sleep over nirerespeto ko naman yun pag mag bebeach kami iba talaga room namin dahil ayaw niya talaga ako kasama sa room may paniniwala din kasi siya at nirerespeto ko yun year 2019 na ata ako nakakiss sa kanya sa lips kasi very conservative talaga siya Hindi nagpapakiss kung magpapakiss man sa noo or cheeks niya lang. Lagi namin pinag aawayan yung mang aaway siya ng walang dahilan nun at selos lagi talaga ako nag seselos sa kanya dahil ang dami umaaligid pag umuuwi yan sa school niya may mga letters, flowers at chocolates pa siya galing sa mga nagkakagusto sa kanya dun pagmamayabang niya pa talaga na may mga chocolates siya. At kung magselos man ako wala din siya pakialam siguro dahil bata pa talaga siya mag isip nung time na yun pagtatawanan ka lang o makita ka galit siya pa yung magagalit dahil galit daw ako. Nung naka graduate siya umuwi talaga ako sa kanila sobrang saya ko kasi alam ko paghihirap niya sa pag aaral minsan tatawag yan iiyak dahil Hindi niya na daw kaya yung mga subjects at mga requirements niya lagi pang pinagdadasal na sana makonsensya at sapian ng kabutihan mga professors niya ganyan talaga siya. Naassign na ako sa Luzon ayaw ko talaga dito mas gusto ko na malapit sa kanya alam ko naman na ayaw niya din pero mas inisip niya ang profession ko at may tungkulin talaga ako na dapat gampanan ang swerte ko sa kanya dahil kahit minsan Hindi ako nakarinig nagreklamo yan na wala ako sa tabi niya Hindi ko madalas nagagawa yung mga dapat gawin ng normal na magkarelasyon dahil nga sa trabaho ko masyado siyang maintindihin nung nalaman ko naman na nakapasok siya sa Hospital sa Manila ang saya ko dahil magkakasama na naman kami malapit na siya sa akin dahil yung mga panahon na nasa Mindanao siya ako dito sa Luzon sobrang hirap lalo na sa communication namin dalawa dahil nag volunteer din siya sa isang hospital kaya iba yung mga free time namin binabawi nalang namin gabi tawagan, nung nasa Manila na siya minsan lang din kami nagkakasama dahil sa mga trabaho namin at Hindi naman malapit yung lugar niya sa lugar ko. Nung nagkacovid mas lalong humirap ang situation namin dahil pahera kami frontliners lalo na sa kanya na hospital talaga lagi akong nag aalala sa situation niya Hindi kami nagkakasama dahil sa Covid nung time na nag propose ako sa kanya nag leave talaga ako sa trabaho nun nagpaalam ako sa Family niya at ayos naman sa lahat. Simple lang din yung proposal ko kasi alam ko naman na ayaw niya talaga yung gagastos naghanda lang ako ng mga pagkain, hinaranahan ko siya at sinabi ko lahat ng gusto ko sabihin sa kanya at nag YES nga siya sobrang saya at Hindi makakalimutan yung mga ngiti at tawa niya.
After nung proposal umuwi na ako pabalik sa station quarantine pa tang*na maayos pa kami parang walang nagbago sa relationship namin kahit engaged na. Mga 1 month ata yun nabalitaan ko na nacovid siya nanlumo at maiyak iyak ako kasi noon hindi talaga ako naniniwala sa covid na yan si Tita pa talaga nagsabi sa akin dahil naka confine na si Iya sa hospital at mahina talaga siya nun lagi ko pinagdadasal na gumaling na siya sa pest*ng covid na yan 2 linggo no communication sobrang alala ko sa kanya dito na pumasok si Miracle lagi namin nakikita yan dahil malapit lang ang station sa milktea shop nila. Lagi sya nagpapapansin sa akin nun aminin ko nung Hindi ko talaga siya pinapansin habang tumatagal lagi siya pumupunta sa amin mga tropa ko na inaasar na din kami lagi yan mga dalang milktea sa amin. Nung nakilala ko siya nawala sa isipan ko si Iya at oo madali nahulog ang loob ko sa kanya dahil siya showy na babae , sobrang ingay at lagi pa kami magkasama. Alam niya na may Fiance ako at kasalanan ko dahil sinabi ko sa kanya na parang wala na kami ni Iyah, naging kami ni Miracle walang ligaw ligaw, sa boarding house ko na din siya lagi tumatambay at natutulog yun yung mga hindi namin nagawa ni Iyah na magkatabi matulog at may mga nangyari na nga sa amin ni Mira .Isang beses nahuli kami ni Mira na magkasama sa boarding house ng isang tropa ko na tropa din ni Vin na pinsan ni Iyah nakasali din siya sa confession ni Iyah yung tinanungan niya na may gf ba ako dito. Galit na galit yung kaibigan ko na nagtatanong sa akin inamin ko sa kanya ang totoo sinikmurahan at galit na galit na makipag usap sa akin na ako daw nagpapaka sarap samantala ang fiance ko naghihirap nun dahil sa Covid sinasagot sagot siya ni Mira pero hindi talaga nagpapatalo tung tropa ko sinisigawan at dinuro duro niya din hindi naman siya ganito lalo na sa mga babae pero dahil sa galit na din siguro kaya nagawa niya yun tinuturing niya kasi na kapatid si Iyah at pinsan yun ng isang tropa namin. Pinakiusapan ko siya na wag ako isumbong kay Vin lalo na kay Iyah nung Una ayaw niya pero pumayag basta hiwalayan ko na daw si Mira. Hindi niya talaga ako kinikibo nun sa kabilang station naman din siya nakaassign ginawa ko hiniwalayan ko nga si Mira pero lagi din bumabalik kaya hindi matiis. Bumalik yung communication namin ni Iya nagsasabi na sorry hindi na daw siya nakapag update sa akin dahil di naging maganda ang kalagayan niya kinakausap ko siya alam ko na parang nakakaramdam siya ng iba sa akin pero wala naman siya sinasabi ang bibo niya lanf magsalita yung ganado talaga tapos ako wala lang nagpaplano na siya sa wedding namin kung saan simbahan, mga bisita, reception lahat lahat na puro lang ako ok ng ok at tinatanggap niya naman nagpatuloy talaga ako nanlalamig sa kanya kasi parang wala na akong nararamdaman sa kanya siguro dahil magkasama kami ni Mira kaya parang binalewala ko si Iya nagpatuloy relationship namin ni Mira at patuloy pa din lumalambing si Iya sa akin hanggang hindi na talaga nakapag tiis at nakahalata na pumunta siya sa station namin malas lang COP namin ang nakausap niya na kilala din si Mira tama talaga na walang sekreto hindi nabubunyag. Nung pabalik ako station ang sasama ng tingin ng mga kasamahan ko pinatawag ako ng COP namin at pinagalitan at nalaman ko din na pumunta talaga si Iyah dun tinanong ako ng COP kung tama ba na Fiance ko si Iyah at ano ko naman si Mira umamin ako galit ang COP sa akin at binigyan ng mga advise na hindi dalawa ang puso ko para ipagsabay sila kailangan ko mamili ng mahal ko hindi yung gusto ko lang. Kaya daw nasisira ang reputasyon ng Pnp dahil sa mga katulad ko. Sobra akong napahiya sa buong station sa galit ko nun tinext at tinatawagan ko si Iya sinasagot niya naman pero nasa trabaho daw siya kaya pinapatay kaagad kung tatawagan ulit naka off na alam ko na alam na niya pero nung time na yun ako pa yung galit dahil napahiya ako hindi ko naisip ang nararamdaman ni Iya. Nagpatuloy kami ni Mira at nakipag hiwalay nga si Iya sa akin nun. Nalaman na din ng mga family niya at family ko galit na galit sila lalo na ang family ni Iya sa ginawa ko tinawagan ako ni Vin at ng kambal niya na sobrang galit na galit wag na wag na daw ako lalapit kay Iya at magpapakita Sa Pamilya nila. Hindi lang si Iya nawala sa akin pati na din pag kakaibigan namin ni Vin at nung isang tropa ko yung magulang ko kinamumuhian na ako.
Nung nagising na ako sa katangahan iniwanan ko na si Mira at sobrang sisi ako na wala na Si Iya dun mo pa pala marealized lahat pag wala na yung taong mahal mo sayo. Lahat ginawa ko kinontact ko siya no respond naka deactivate ang account niya, nag change ng sim dinadalaw ko siya sa hospital pero mukhang pinagsasabihan niya na mga nurse at security guards dun na hindi ako papasukin.

Liyah,
Babe, patawarin mo ako sa mga nagawa ko sobrang pinagsisihan ko lahat ng mga nagawa ko sayo sana mabasa mo tung respond ko dahil hindi ko talaga alam paano ka kontakin hindi kita ma search sa mga socmed accounts mo pati number mo wala na. Ikaw lang yung babaeng minahal ko ng sobra pero sobra ko din sinaktan alam ko hindi sapat na sorry lang sa mga nagawa ko sayo. Nagawa ko siguro yun dahil wala tayong communication bawat araw na hindi kita makausap sobrang durog ako , naiinsecure din ako sa sarili ko na baka hindi kita mabigyan ng magandang buhay katulad ng naranasan mo simple lang ang trabaho ko at ikaw nasa taas na . Gusto kita makausap ng personal sobrang miss na miss na kita alam ko na sobrang ga*o ko para pakawalan pa kita dahil wala ako sa tamang pag iisip . Sobrang swerte ko na sayo sinayang at sinaktan pa kita kung pwede lang sana ibalik natin sa dati pangako magbabago na ako namimiss ko na boses mo mga tawa at ngiti mo at mismong ikaw namimiss ko nabalitaan ko na pinapatuloy mo pag aaral mo para maging Doctor unti unti mo nang naabot mga pangarap mo ngunit hindi sa abot mo hindi na ako kasama mo. Nasayang lahat ng mga pangarap at pangako natin sa isa't Isa dahil sa kantangahan ko. Nalaman ko din kay Mira na nalaman niya na may nanliligaw sayo na Airforce kung hindi ako nagkakamali si Sir Jay ito na tropa ng kapatid mo na matagal na may gusto sayo. Babe ipaglalaban pa din kita kahit wala kana sa akin basta alam ko na hindi pa kayo ng Airforce gagawin ko lahat mapatawad at bumalik ka lang sa akin please mahal kita Liyah sobra sana makipag communicate ka naman sa akin gusto gusto na kita makausap.

Para sa mga nagbasa ng confession ni Liyah patawarin niyo din ako alam ko iba sa into galit na galit sa akin pero may mga rason naman ako bakit ko ginawa yun, sana wag ninyo ako husgahan sa isang pagkakamali lang.

_______________________________________

RESPOND TO #SORROW(MIU) "TRUE LOVE STORIES NEVER HAVE ENDINGS" Sabi kasi ng mga buddy ko pag mag confess ka dito dapat Una quotes raw, relate naman ako sa quote na yan parang kami lang walang katapusan pagmamahalan awit HAHAHA. Let me introduce myself first I'm 2Lt. ******** Jay ********* PAF. Familiar naman siguro kayo sa akin dahil sa Confession ni Alliyah yun nga lang hindi man lang ako pinakilala ng maayos o dinescribe man lang sagot niya next update niya nalang daw kasi love story namin ipopost niya tsk pero papalag talaga ako baka iba pa isipin ng mga readers dito hindi ko man maipakita sa inyo pagmumukha ko dahil privacy na po yun lalo na sa work ko. imagine niyo nalang basta gwapo ako yun... sabi nga walang panget sa mundo maliban nalang sa mga taong manloloko! Dahil hindi naman ako manloloko kaya gwapo ako HAHAHHAHA. Hindi ko alam saan ako mag uumpisa hindi naman ako mahilig sa mga ganito mas mabuti magpalipad kesa mag confess pero dahil sa babaeng minamahal ko na nag confess nga dito at dahil birthday na niya this week hala sige pakapalan ang mukha. Sa mga readers hindi po ako bisaya nagbabasa din kami ng mga comments dito at confessions wag naman po yung sobrang lalim na bisaya may mga kasama nga akong bisaya , sila nga nahihirapan ako pa kaya hustisya naman sa amin na hindi nakakaintindi HAHAHAHA pero I know na yung page na to karamihan sa mga na share ng confession from Visayas and Mindanao. Kaya kami na po mag aadjust para maintindihan namin HAHAHAHA. Nung nagsusulat siya ng icoconfess niya dito, nagpaalam siya sa akin at magkatabi pa talaga kami nun habang nag tatype siya lol dahil na din sa influence ng mga kaibigan niya na avid reader sa page na to hayss. Ayos na talaga siya ang hindi niya lang matanggap lumipas na ilang buwan kahit isang beses wala talaga siyang narinig na sorry mula sa ex niya yun lang naman ang pinupunto niya. And about dun sa ex niya at sa pinalit niya na hanggang ngayon nanggugulo pa ang totoo ano problema niyong dalawa? Hindi naman namin kayo inaano, kayo naman lapit lapit andami ng problema ng Mundo ngayon wag na kayo makidagdag. Lester, pare ang kapal naman ng mukha mo magparamdaman ulit ilang buwan na din nakalipas ngayon kapa magpaparamdam at sinasabi mo pa naghahanap ka ng way para makipag communicate kay Liyah pumupunta ka ng hospital pero ang totoo ni isang beses hindi ka naman pumunta idadamay mo pa mga security guards at mga nurses dun . At ano yung mga reasons mo pre yun na yun? Sana man lang dinagdagan mo yung kapani paniwala rarason ka na nga lang bulok pa. Bakit hindi ako harapin mo at kausapin lalaki sa lalaki kasama pa si Vincent at Benj. Total gusto mo naman makipag kompetensya sa akin pero ngayon pa lang sasabihin ko na sayo hindi ako pumapatol sa mga taong talunan at itong message ko hindi naman para sayo para naman kay Liyah, gawa ka din ng sayo para kay Ms. Miracle. Move forward kung kailan kami nagkakilala ni Liyah. Yung kambal niya classmate ko kadete pa lang kami lagi na yan bumibisita pag may free time sa kuya niya, nung Una hindi ko talaga yan siya napapansin pinapakilala yan sa akin ni Benj pero lagi ko sinasabi "pass" ganyan naman mga kaibigan ko irereto ako kung kani kanino dati wala kasi akong Gf at NGSB ako HAHAHHA focus lang talaga sa pag aaral lalo na kadete pa lang kami nun sobrang hirap ng mga dinadanas namin wala na nga oras sa sarili magjojowa pa tas sa huli iiwan lang dahil walang oras lol. At sabi ko din kapag mahanap ko na yung 1st girlfriend ko siya na ang magiging future wife ko. Aaminin ko madami din nagkakagusto kay Liyah na mga classmates namin dati at dahil loko loko ang kambal niya ipapakilala niya kay Iyah pero may mga kapalit mga boddles , sila sasagot ng mga activity ng loko at marami pa yan mga utos opposite talaga sila ng ugali ng kakambal niya HAHAHA. Unang kita ko kay Liyah mapapasabi ka nalang na mukhang imported gets niyo ba? HAHAHA sobrang puti kasi at sobrang ganda at kinis ng mukha . Kung yung kambal niya maingay kasama siya naman sobrang tahimik kakausapin mo bilang lang ang masabi niya lagi pa talaga yan may mga "po at opo" at kinukuya pa kami HAHAHA. Lagi talaga yan siya pinagmamalaki ni Benj dito nung nalaman niya na nagka boyfriend nga ang kapatid niya mga underclass lang naman namin ang pinag labasan ng galit ni Benj ayaw na ayaw niya talaga dun sa lalaki unang kita pa lang daw niya dun kumukulo na daw dugo niya HAHAH. December break nun nagkita ulit kami ni Liyah sinundo namin siya sa school nila para gumala nung nakita ko siya ulit aminin ko mas lalo siya gumanda nag matured talaga siya dagdag mo pa naka uniform siya kung sa iba gandang ganda sa mga uniform ng military , ako nagandahan sa uniform ng medicine students sobrang neat at snappy talaga siya tingnan. Doon ko na din napapansin may malalim na dimple siya mas lalo nagpapaganda sa kanya weakness ko ata ang babaeng may dimple nakaka inlove >o<napansin ko na pagkakatulad ng kambal same sila mahilig sa pagkain dun ata sila nagkakasundo HAHAHA at ang sweet niya din lagi niya hinahug or kiss ang kuya niya makikitaan mo talaga siya na may respeto hindi ka makakarinig sa kanya na hindi nagsabi ng Po or Opo . Nung nag graduate siya sinama din ako ni Benj sa kanila hindi lang ako kundi kaming 5 mag tropa nagpaparty talaga yung parents niya para sa kanya andami bisita nun pero makita mo wala siya pakialam dun lang siya concentrate sa chocolate fountain hindi talaga siya maalis sa harap nun kung magsasawa siya dun naman siya sa letchon nakakatuwa talaga siya panoorin nun. May gusto na ako sa kanya umpisa nung sinundo namin siya ni Benj sa school nila nagtuloy -tuloy yun, pero hindi ako talo nirerespeto ko relationship nila hindi ako nagpapapansin ako nga lang nakakalaam na may gusto ako sa kanya hindi ko na sinabi sa iba dahil alam ko mawawala din naman yung feelings na yun . Nagpatuloy ako sa work nun binuhos ko lahat ito na naman magagaling Kong mga kaibigan hinahanapan ako ng girlfriend kung aayaw na naman ako nag aaya yan sila ng gala tas may ka blind date na pala ako na inihanda nila . Yung mga girls na pinili nila kinakausap ko ng maayos na ayoko makipag date or makipag entertain with respect ah. Itong mga tropa ko sarap batukan kung may mga kaibigan kayong ganito lagi sasakit ulo niyo! Andami na mga pang aasar narinig ko sa kanila *bok gago biyaya na yan inayawan mo pa, *Hindi mo naman siguro gusto tumandang binata budz ?* ******* parang awa mo na kami na yung nahihirapan maghanap ng para sayo pagtiisan mo na muna subukan mo lang Malay mo magustuhan mo sa huli para naman mabawasan ang init ng ulo mo at hindi ka na chaperone pag may mga date kami tang*** naman bok. Mga ganyan lagi sinasabi nila , hindi ko naman sinabi sa kanila na hanapan nila ako tingnan mo sa huli sila napapahiya sa kalokohan nila HAHHAHA ayoko lang talaga na ireto gusto ko kasi kapag may darating para sa akin tadhana na ang bahala . Nung nalaman ko na engaged na sila Liyah at yung ex niya medjo ouch HAHA ouch talaga p*ta crush lang naman yun bat apektado ako pero mas pinansin ko talaga reaksyon ni Benj nun sinakto talaga na wala siya dahil kung andun siya, Panigurado daw talaga siya na Una tututol at hindi talaga makipagtalo tung tropa ko pag ayaw niya talaga dapat hindi talaga masyadong loko grabe na pakikiusap ginawa niya sa kambal niya ayaw niya daw magkaroon ng bayaw na panget kung hindi daw madaan sa pakiusapan nakakaisip na naman siya ng mga kalokohan sugurin niya daw or sa mismong kasal pag magsalita si Father kung sino tututol siya daw tatayo at sisigaw na itigil ang kasal pucha matatawa ka nalang talaga dito totoo guys sarap tropahin nito lagi basag araw niyo HAHAHA. Nung nagka covid si Alliyah wala talaga kami idea about Jan sa covid kung gano ba talaga kabagsik yan at ang bilis kumalat at naminsala hindi lang sa pang hanapbuhay ng iba kundi sa mismong kalusugan na talaga nung time na yun andami nawalan ng myembro ng pamilya. Nung nalaman ni Benj yun sympre nag wala kambal niya ba naman tapos nasa kritikal pa na kalagayan hindi din makausap si Alliyah nun kahit call or text wala talagang sagot hindi din kami makalabas sa kampo kaya ginawa namin take life pupunta ng manila pasok dun sa hospital pero hindi talaga pwedeng magpapasok naiintindihan naman namin kasi sympre dahil pandemic at tumaas talaga ang kaso nun kaya strikto talaga. Iisipin mo lang na si Liyah lumalaban lang dun mag isa walang pamilya umaasikaso dahil bawal ang magagawa lang namin nun dasal nakisuyo si Benj sa nurse dun na kung pwede kahit phone call lang makausap niya kambal niya nakausap niya naman sa boses ni Liyah that time hinang hina talaga siya at si Benj naman pinapakalma namin dahil iyak na ng iyak. Ako kumausap kay Liyah sabi niya na ang hirap na daw labanan sukong suko na daw katawan niya pero pinalakas ko talaga loob niya nun na kailangan niya magpagaling dahil marami pa siyang buhay na ililigtas in the future nag aantay ang family niya at mga kaibigan niya pati na din ang chocolate fountain at letchon nung narinig niya yun natawa siya magpapagaling daw siya basta ililibre namin siya ng maraming pagkain paglabas niya ng hospital agree naman kami para mas tumibay loob niya . Yung kuya niya hindi pa talaga makausap yung di ka sanay na tulala at tahimik nalang siya lagi dati araw araw talaga nag iingay yan. Nung nalaman namin na bumuti na nga kalagayan niya at nasa maayos na siya na kondisyon tuwang tuwa kami lalo na kuya niya nagpakain pa nga sa barracks. Pero bawat saya pala may kapalit na sakit nalaman ni Liyah na yung ex niya nag cheat sa kanya sinabi niya din sa family nila na hindi na tuloy ang kasal... Tuwang tuwa ang kuya kasi hindi na matuloy ang kasal hindi niya pa alam ang reason, nung sinabi ni Liyah Sa kanila na nanloko nga daw yung ex sympre nabigla lahat maski nga kami si Liyah pa talaga niloko ah tsk tsk tsk galit na galit ang pamilya ni Liyah nun lalo na yung pinsan niya na si Vin at sympre ang kambal niya na hindi nga daw nila yan pinapakagat sa lamok tapos sasaktan at lolokohin lang daw ng panget hindi namin alam kung mababadtrip o matatawa kami sa reklamo ni Benj nun matanggap niya daw mga gwapo mga nanloko pero panget na nga daw at yung pinalit mas panget gago talaga tropa namin susugurin sana niya sinama pa kami pero hindi kami pinapasok sa Pampanga, papasukin naman kami pero mag quarantine kami at swab test. Ok lang yung swab sanay na kami Jan pero quarantine tumakas nga lang kami sa kampo kahit may duty kami HAHHAHAHAHA kaya ginawa ni Benj tinira niya sa text and chat pero walang reply. Dinalaw namin si Liyah pangiti ngiti lang siya pero makita mo talaga sa mata niya kung titingnan mo talaga makikita mo na nasasaktan siya pero palaban masyado. After 4 months naka recover na siya sumugod ba naman sa Base para maningil ng pinangako namin na pagkain sa kanya nung nagka covid siya. Bumalik na siya sa dati, nasa formation kami nun tas dumating siya sisigaw pa talaga yan nung nakita niya si kuya niya may pa HI pa mukha ni Benj nun pumipikit na dahil nahihiya sa pinanggagawa ng kapatid niya nagpipigil lang kami ng tawa nun , nung natapos na formation pinuntahan namin siya maniningil nga daw kasi siya sinabihan na siya ni Benj na sana tinext niya nalang kasi ihuhulog nalang sa gcash niya ayaw niya ng pera pagkain daw gusto niya. Nagbyahe lang naman siya ng malayo para makuha ang pagkain niya pinapasok pa talaga siya dahil medical frontliner tsk tsk tsk tsk. Nilibot namin siya sa Base nun enjoy na enjoy talaga siya sa mga nakikita niya, pinagtitinginan na nga kami nun kasi ang ingay niya tas 6 pa talaga kami nakasunod sa kanya kung tatamarin daw siya mag doctor papasok daw siya sa astronaut tinanong namin kung bakit ?gusto niya lang daw makakita ng alien at tumalon talon sa mga planets at sa moon huhuhuhuhuhu mung hindi lang sana kami tiningnan ng masama ni Benj nun tatawa na talaga kami langyaaa! Nung time na umamin ako sa kanya alam niyo ano ginawa niya tinawanan niya lang ako ikain ko lang daw akala ata nagbibiro ako. Sabi niya sa akin na naka move on na siya sa ex niya pero hindi pa daw siya ready magmahal ulit kasi natatakot siya ulit masaktan. Sinabi ko naman sa kanya na maghihintay ako kung kelan handa na siya ulit magmahal nagpaalam ako sa kapatid niya na tinawanan pa ako dahil sa karami rami daw nila nireto sa kambal niya lang daw ako babagsak supportive naman siya wag ko lang daw sasaktan tinakot niya ako HAHAHHA kilala niya naman ako at may tiwala naman siya sa akin pati na din yung family ni Liyah approved din yun nga madami paalala at tinanggap ko naman at pinakinggan mga paalala nila dahil siguro ayaw na nila masaktan ulit si Liyah. Favorite kasi talaga si Liyah lalo na ng lola niya at mabuting anak at kapatid din kaya mahal na mahal talaga siya. Pinagpuyat at pinagisipan ko to sana magustuhan mo . Unang Una sa lahat nalimutan ko talaga sasabihin ko na memorize ko yun kagabi pero bahala na HAHHAHAHA My Officer girl wag mo sana akong tingnan or itulad sa tao na kakilala mo na ipagpapalit sa malapit ang Girlfriend. Dahil hindi naman ako ganun at hindi ko kaya maging ganun alam ko naman na hindi mo man masabi pero may doubt kapa talaga sa akin. Sa bawat araw na lumilipas mas lumalalim ang connection natin sa isa't isa I think it's not about the proximity it's about the love that we feel for each other. I know we can't be together all the time but please bare on your mind you will always be the one why I always smile and woke up each day with great hope in mind. When one of our officer said I deserve a woman who makes me laugh yung di mapapagod maghintay at intindihin ako lalo na sa branch of service ko yung mag aalaga at magmamahal sa akin hanggang sa huli. Your not my first priority Liyah but in terms of duty lang naman, But don't worry kahit saan man ako maassign sa huli sayo lang din ako uuwi HAHHAHA hihintayin ko yung sagot mo sa tanung ko ng isang araw pag sinagot mo na yun pakasal tayo kinabukasan. HAHAHHAHAHA willing to wait naman ako pero wag naman siguro sobrang tagal hindi na tayo bumabata pangarap ko pa naman ng isang dosenang anak huhuhu 6 sa military 6 naman na medical staffs HAHAHAH stable naman na ako ngayon may sarili na din akong bahay, maayos na trabaho hindi na umaasa sa pamilya. Kahit hindi kana mag trabaho kayang kaya kita buhayin at wag kana mag isipin ng kung ano ano wala sa lahi namin manloloko ...gwapo lang oo sigurado yan. To be honest I can see myself having a family with you, growing old with you and spending the rest of my life with you . I'm here to support and lift you up kapag down kana always wear your smile ok dahil mas lalo ka gumaganda pag naka smile. Always remember that you are one of the most important woman in my life , you are my greatest blessing and I will always love you coz you are my answered prayer. To all readers and admins of this page , instead na sa mga Lispu kayo na maloko( Hindi lahat may mga tropa din tayong lispu na mga mababait at loyal) sa Airforce nalang kayo mga gwapo na nga mga faithful pa hindi hindi talaga kayo magsisisi dahil lagi kayong dadalhin sa himpapawid HAHAHHAH Joke lang I know marami sa inyo na may mga gusto sa MIU pero kailangan matatag ang loob at makakaya ninyo mga challenges na darating sa inyo, hindi madaling magmahal ng MIU kung kami nga lagi namin hinihiling na normal na civilians nalang kami dahil makakasama pa namin mga mahal namin sa buhay at magagawa namin mga gusto namin. Hindi namin kayo pinipigilan magkagusto o magmahal sa MIU pero sana malinis naman ang intensyon niyo at isipin niyo muna ang sarili niyo bago kayo pumasok sa gyera ng pagmamahal ng MIU. Maraming Salamat sa lahat ng suporta na nababasa namin sa mga comments hindi namin alam paano babawi sa inyo comment niyo nalang mababasa din namin yan. HAHHAHA Ito yung first and last confession ko sa page na to balik private life na naman ako, pero ang saya lang na masabi ko dito mga malungkot at magandang nangyari sa amin. Ang alam ko mag uupdate si Alliyah soon abangan niyo nalang may pa face reveal yun siya makita yung mukha niya pero ako nakatalikod HAHAHA mahirap na maendorse sa base kakapagod mag mase at baka pagtawanan din ako pagmakita confession ko dito sa mga buddy ko alam ko inaabangan niyo to pero sa atin atin nalang wag niyo na ipagkalat HAHAHA
_____________________________




1 comment:

  1. Kumusta na kahas miss Liyah nohhh :((

    ReplyDelete

Featured Audio: Hubog ka, mao gidala tika sa Paradise.

Latest Stories