Search for Stories

Sunday, November 07, 2021

No Label - Ongoing

 

#nolabel "Hi im ella. 34 years old from Negros Or. Gusto ko din po share ang aking love story. Kasagsagang ng lockdown, nastranded ako and my friends sa checkpoint. Hinanapan kami ng ng quarantine pass. Kailangan namin makatawid dahil papasok kami sa work at di pa kami na inform na need ng QP. Maya maya lumapit ang isang army (tall dark at di ko sure if gwapo kasi naka mask hahaha) atng tanong kung anong problema namin. Tawagin natin syang Henry Henry: mam ano problema nyo Ako: sir hinahanap po kami ng QP di po namin alam na need pala papasok sa bayan nyo. Di naman kasi nghahanap sa bayan namin. Kinausap ni Henry kasama nya. At sinabihan kami na mkakadaan kami ngaun araw pero bukas kailangan na talaga. At hiningi number ko (alam na!) at kunin ko din daw number nya just in case mgakkaproblema sa checkpoint mamaya pag uwi. Di ko na sya tinxt kasi nakadaan kami ng matiwasay sa mga c.point nong pauwi na kami. Around 9pm nakareive ako ng msg. H: Hi miss ako nga pala ung sa c.point kanina. Im Henry. Ngdadalawang isip pa ako if magrereply ba or hindi. Baka kasi may jowa or asawa at mamaya e iba na magrerply sa akin. Out of boredom, after an hour nireplyan ko Ako: hello sir. Thank you po pala. Until umabot ng 12mn conversation namin. Nagtuloy-tuloy communication namin. At dahil everyday ako dumadaan sa c.point nakikita ko sya kapag nataon na duty sya. Until one day ngyaya sya kain daw kami sa labas. Sabi ko close mga kainan ngaun eh lockdown nga. Pasyal n lang daw sa bahay. Di ako pumayag baka isipin ng family at mga kapitbahay ko na bf ko. Daming kamag anak si Marites sa palibot namin hahaha. Na kapag may bisita eh lahat sa amin ang mga mata. The following day, around 6am habang ngkakape ako may tumigil na motor da tapat ng bahay. Goodness pagtanggal ng helmet si Henry. Eh kagigising ko lang wala pa ako suot ng bra. Dali dali akong ngsuot ng bra ta ngsuklay at pinapasok ko sya. Ask ko pano nya natunton bahay namin. Pinahanap daw nya sa mga batch nya naka assign sa bayan namin (around 36km lng naman diatance ng bayan namin at kung san sya na assign) Lalo kami naging close ni Henry, though di naman sya umakyat ng ligaw so i assume na nakikipag kaibigan lng sya. Months passed, medyo na alarma na ako kasi kapag di sya nakakapg txt or tawag hinahanap ko na sya. Di kaya nahuhulog na loob ko. Tapos sya wala naman gusto sa akin at di ko rin sya gaano kakilala. Nagtanong tanong ako sa mga kakilala kong army if kilala si Henry kubg may asawa ba or gf. Sagot nila wala pa sya asawa, gf di sila sigurado. I decided na umiwas na bago pa tuluyan mahulog loob ko. Nagkataon din nalipat na sila ng assignment medyo malayo na sa amin. I blocked his number. May times na pumunta sya ng bahay pero di nya ako naabutan. Gumawa sya ng ways na makontak ako. Gumamit sya ng ibang number at ngtx bakit daw iniiwasan ko sya. Ano ba nagawa nya. At nakiusap na harapin ko sya. Di ko na nireplyan. Kinaumagahan 5:30am nasa tapat na sya ng gate. Pinapasok at habang ngakkape ng usap kami. Nag usap kami na parang wala lang parang walang nangyaring iwasan. Kwentuhan lng as usual about sa work etc etc. Then ngpaalam na sya umalis sabi nya i unblock mo na ako reply ka ha. At eto naman si tita na marupok hay sabi ko yes mgrereply ako. At ngpatuloy ang aming communication. Status NO LABEL. One time, txt txt kaming dalawa. At naka received ako ng msg from him. At chadaaa ""Love, medyo busy lately tawag ako mamaya"". Alam kong di un para sa akin. Lakas ng pintig ng puso ko hahaha. What i did, forward ko msg sa kanya at sabi ko wrong sent ka. After 15mins tumawag di ko sinagot. And he tetxed, hiniram daw ng senior nya ang cp at na wrong sent sa akin. Sus lumang tugtugin. Di ako pinanganak kahapon. Syempre nasaktan ako hahaha. I admit na nahulog na nga loob ko sa kanya. I ignored his calls and msgs. Kinaumagahan, i replied ""kaht anong deny mo alam ko sayo msg na un. Bakit kasi di mo pa aminin na may gf ka. Stop na natin communication natin wag ka na mgpunta ng bahay. Kawawa namn gf mo kht ako nasa lugar nya kapaga malaman gnagawa mo tlgang magagalit ako at so unfair sa side ng gf mo"". And he replied ""please kausapin mo muna ako and ill tell you everything"". Nagsimula nang tumulo luha ko. I dont know kung ready na ba ako sa maririnig ko. I decided to cut our communication for good. Ng change ako ng number. After a week, pumunta sya ng bahay around 8pm, at may mga kasama sya. Hinarap ko. Naisip ko need cguro namin mag usap ng maayos. Naiwan mga kasama sya labas ng gate. While ng uusap kami sa terrace. And he confessed na may long time gf sya. Mag 5 years na sila. Sabi ko bakit di mo sinabi sa simula pa ilang beses kita tinanong. He replied ""baka kasi ndi mo na kakausapin kung sasabihin ko may gf na ako"". sinabihan ko sya decided na ako to cut whatever meron kami even our friendship. Ayaw nya, he said na nahulog na loob nya sa akin. Mahal na nya ako. (Duh, kapoy na dong daghan na mo mga butbuton) dami pa sya pinagsasabi. Hinatid ko na sya sa labas at hes pleading na magrereply ako sa msgr. I just said ""ok"" at tumalikod na ako. Sobrang sakit pero eto ung alam kung nkakabuti para sa amin. Stay strong girl, pagcoconvinced ko sa sarili ko.

Part 2:

Part 2

I decided mag work sa malayo. Since di na gaanong mahigpit ang boundaries sa provinces, ng apply sa karatig na probinsya. Yes sobra akong naapektuhan sa nangyari sa amin ni Henry. Aminado ako na mahal ko na sya. Pero ayaw ko din makasira ng relationship. Ako na mismo ang lumayo. Pingbilinan ko.mg friends at family ko na kapag may maghanap sa akin sabihin lang na nasa Manila ako.I kept my self super busy. But there were times na naiisip ko pa rin sya and stalked His and her gf fb accnt. Seeing their pics together, parang syang torture ahhaha.

Isa s workmate ko napagkwentuhan about sa amin ni Henry. Sabi nya may pinsan syang binata at ka age ko age, sundalo. Mayga! Sundalo na naman. Certified single daw. Search nya fb gamit account ko pinakita sa akin. May hitsura nga ahahha. At inadd nya without my knowledge. The follwing morning, gulat ako bakit Jake friend request accepted. Di ko naman inadd. And he msg "hi". Tinapik.ko workmate ko

Ako: hoy bakit mo inadd pinsan mo sa accnt ko nkakahiya
Her: ok ra na ui. Ng msg ba. Replaye ha. Be friendly. Malay mo.

Nirpelyan ko ng "hello" nong lunch break na.

Biglang ng vcall. Binigay ko sa workmate ko di ko alam ano sasabihin. Nahihiya ako.

Her: kw na kumausap. Mabait yan. Cge na go.

I answered the call. Start nong araw na un lagi na kami magkausap. Honestly medyo nakakalimutan ko na si Henry. I shared ky jake about ky henry and he said na makakalimutan mo din sya andito lng ako. Kinilig din ang tita nyo hahaha.

Months after, ng msg si jake na magbabakasyon daw sya sa bahay ng workmate ko para ma meet nya ako in person. Di ko alam if matututwa ako or ano ba. Natatakot ako na baka umabot naman sa point na mahuhulog na naman loob ko at mauuwi sa iyakan. He requested na sunduin ko sya sa airport. And i agreed. Habang papalapit na ang araw na pgdating nya kinakabahan ako.

Sunday morning, around 11am arrival nya. I borrowed my workmate's car. 10am palang nasa airport na ako hahaha excited lang. I was thinking kung makikilala ko ba sya agad in person. Ng antay lng ako sa loob ng sasakyan. Kilala.naman nya kotse ng pinsan nya kako sya na lng lumapit. Past 11 I felt so nervous. Kht malamig ang aircon ng sasakyan pingpapawisan ako ng malamig. Maya maya may kumatok sa window. Napatitig lang ako hhaha. I took 20 seconds bago ko inopen ang window. Kumatok sya ulit at kumaway. So inopen ko na.

Jake: kanina ka pa ba
Ako: nope bago lang (sa totoo lang mahigit 1 orasna haha)
Jake: ako na mag drive.

So lumipat ako sa kabilang seat. At sya ng drive. Para bang matagal na kami magkakilala kung makipg usap sya. Kwentuhan hanggang sa makarating kami sa restaurant. After namin kumain sabi ko klangan ko na umuwi kasi magsisimba pa ako at 3pm. Sabi nya sama daw sya magsimba. Ngkataon din same kami ng religion. We proceed sa baha nina Gel (workmate ko) at hinatid gamit ni Jake. Chikahan sila mgpapamilya. Di naman ako na out of place kasi close ko n din family nina Gel. Almost 3pm na ngpaalam na kami lalabas para magsimba. Niyaya ko si Gel na samahan kami sabi nya "wag na kayo na lang moment nyo yan" may kasamang ngiti na para bang nang aasar.

After mass. Nag park kami sa tabing dagat. Kwentuhan. At hinawakan nya kamay ko

Jake: i need to tell you something.

Sobrang kinabahan ako. Baka history repeats itself lang. Baka sasabihin nya may gf na sya. Nanlalamig na ako.

Jake: ella, i love you. Lagi mo.sinasabi na di ka pa ready makipg relasyon. Pero handa ako mag antay.

So ayon nka hinga na ako ng maayos hahaha. Aaminin ko may gusto na din ako ky jake. Pero gusto ko masiguro sa sarili ko na wala na tlaga si Henry sa puso ko. Hindi uNg parang panakip butas lng si jake.
Hindi ako nakaimik. He hugged me and hugged him back. At we decided na umuwi na dahil ng prepare mama ni Gel ng dinner.

After dinner hinatid ako ni jake at gel sa apartment. Still cant believe sa nangyari. Kami na ba?or baka hindi pa. Di naman ako ng i love you too. After ilang minutes, nakarecieve ako ng txt from Jake "Goodnight ella. Thank you❤️ see you tomorrow" di na ako ngreply di ko alam ano isasagot.

Monday, same routine lng kami ni Jake. Tatawag early in the morning. Back to work na.
Gel: maganda ata umaga natin ah (may pakindat kindat pa)
Ako: lagi naman maganda araw ko ah
gel:kumusta kayo ng pinsan ko di ka na ngtx kagabi ah. Baka nasa ulap ka pa hahah
Ako: tumahimkk ka nga. Kwento ako mamaya.

3 weeks vacation ni jake. Balik na sya duty sa davao after ng bakasyon. A day before flight nya ng beach kami together with fam ni gel. Nagyaya sya maglakadlakad sa dalampasigan. Medyo padilim na non.

Jake: Balik na ako ng davao. Mag iingat ka lagi ha. Next bakasyon ko punta tayo sa inyo. Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita.

Sobrang kinilig naman ako hahahha for the first time sinabi ko na "mahal din kita"
And we shared our first kiss.

Hapon ang flight nya. Hinatid ko sya sa airport. Medyo mabigat sa.loob ko. Dahil nasanay ako na lagi kami ngkikita. But part ng work nya wala ako magagawa. He kissed my forehead and hugged each other before sya pumasok sa departure area.

Balik na kami sa dsting sitwasyon. Vcall kapag free time. Everything goes well.

Last month, umuwi ako sa amin para magbakasyon. Bday ng mama ko. Hoping na sana di mg cross landas namin ni henry. Sabi ng kapatid ko ngpunta daw si Henry sa bahay hinanap ako.

One time namalengke ako. At nakita ko.mga kasamahan ni Henry. Kinabahan ako baka andon din sya. So umiwas ako sa kasamaang palad andon sya sa direcrionna pinuntahan ko.

Henry: ui naka uwi ka na pala, di.man lng nag inform

Sa isip ko sino ba sya para iinform.

Ako: kakarating ko lng kagabi.
Henry: kumusta ka na?na miss kita
Ako: ok lang di kita na miss.
Henry: sobra naman to. Pasyal ako sa inyo ha.
Ako: may lakad ako bukas.

Sabay talikod at sumakay ng tricycle. Hay baka totohanin nya punta ng bahay. Ng iisiap naman ako ng paraan para mka iwas.
But then i realize.lagi na lang ba ganito. Lagi na lng ba ako iiwas. Well, tingin ko wala na tlaga ako nararamdaman ky Henry. Wala na spark hahaha

6am nasa gate na si Henry. Pinapasok ko at ngkape kami.

Henry: kumusta ka na
Ako: ok lang. Eh ikaw kumusta ka na?
Henry: hindi ok. Na.miss kita
Ako: ano ka ba. May gf ka na nga.btw, may bf na din pala.ako
Henry: talaga?
Ako: uu. Thank you. Kung di dahil sayo di kami ngkakilala
Henry: pasensya ka na tlga sa mga nangyari dati ha. Pero sa totoo lng i still love you. Di kita nakalimutan. Lagi ako dumadaan sa inyo. Ngbabakasakali makita ka.
Ako: im sorry henry klangan na natin mag move forward. Ung nagyari sa atin un din nghatid sa kaligayahan na nararamdaman ko. Cguro ikaw.ung way ni God na makilala ko ung taong para tlaga sa akin. Focus ka na lng sa gf mo. And i wish you happiness.
Henry: Iba ka kasi. Cguro nga may commitment na ako sa kanya. But youll remain in my heart forever. Alam mo yan alam ko ramdam mo din love ko sayo. Sayo ko lng naramdaman ung happiness na un. Un bang mgkasama tayo parang ayaw ko matapos ung oras. Sana mas nakilala.kita ng mas aga.

At nagsimula tumulo luha nya. (Di jud padala aning mga drama)

Ako: lets move forward na henry. I hope na magiging masaya ka rin para sa akin. Cge na malamig na kape mo.
Henry: invite mo ako sa kasal nyo ha


Ff. Nabalitaan ko na lang na ikakasal na si henry sa gf nya. At naging ok naman kami ni jake na meet na nya family ko at we are planning na next vacation nya don na naman kami sa side nya. Di din naging madali relationship namin just like others away, bati. Kasal?wala pa po sa sched nag iipon pa 🙂 i pray na he's the one na.

Dont curse your past. Minsan eto way ni God para mapunta tayo sa taong para sa atin. Sometimes broken road leads us to the right person. Yes masakit ang mabigo, mag expect. Its a blessing in disguise. Lets look for the rainbow after the rain. Antay antay lng tayo sa go signal ni God.

No comments:

Post a Comment

Featured Audio: Hubog ka, mao gidala tika sa Paradise.

Latest Stories